LA TRINIDAD, Benguet — Tuluyan nang sinunog ang pitong plantasyon ng marijuana na may tinatayang mahigit P10.6M na halaga na nadiskubre sa operasyon ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) laban sa ilegal na pagtatanim ng marijuana sa lalawigan ng Benguet.
Natuklasan ng mga operatiba ang pitong magkakahiwalay na plantasyon na natamnan ng 28,400 fully grown marijuana plants at nadiskubre rin ang 41,690 grams ng dried marijuana stalks with leaves and fruiting tops na may kabuuang Standard Drug Price na PhP10,682,800.00 sa Brgy. Kayapa, Bakun; Brgy. Pudong, Kapangan; at Brgy. Tacadang at Brgy. Badeo, Kibungan.







