Home NATIONWIDE Lalaking pulis dapat sanayin sa VAWC cases

Lalaking pulis dapat sanayin sa VAWC cases

177
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Abra Rep. JB Bernos na dapat rin sanayin ang lalaking pulis sa paghawak ng sensitibong kaso ng violence against women and children (VAWC), gaya ng ginagawa sa mga policewomen, upang mas epektibong tumugon sa mga kaso.

“I believe that deploying more women officers is a good step. But for the long-term, I hope the PNP continues to enhance its gender-sensitivity and humanistic trainings so that even male cops can better respond not only to cases of abuse and violence against women and children, but to all cases,” ani Bernos.

“Empathy should always go hand in hand with the pursuit of justice and law enforcement.”

Ayon sa datos ng DILG, nakatanggap ang Unified 911 ng mahigit 5,000 tawag kaugnay ng VAWC noong 2025, na umaabot sa halos 500 tawag kada buwan.

Ani Bernos, makakatulong ang dagdag na training upang alisin ang negatibong imahe ng kapulisan at hikayatin ang publiko na humingi ng tulong:

“Ayaw ng mga kababayan natin ng mga pulis na bastos, arogante, at walang simpatiya. Kaya umaasa tayo na patuloy ang liderato ng PNP sa pagsiguro na mapanagot ang mga miyembrong dumudungis sa pangalan nito, at na ang kasalukuyang hanay ng kapulisan ay mapupuno ng mga taong pinahahalagahan ang respeto sa kapwa at sa sarili.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here