Home METRO PBBM, nagsagawa ng warehouse inspection sa isang kilalang canned fish and meat...

PBBM, nagsagawa ng warehouse inspection sa isang kilalang canned fish and meat company sa Binan, Laguna

191
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipinangako sa kanya ng manufacturers ng ‘canned fish at karne’ na hindi sila magtataas ng presyo ng kanilang mga produkto ng isa hanggang dalawang buwan.

Inihayag ito ng Pangulo matapos bisitahin ni Pangulong Marcos ang warehouse ng isang kilalang canned fish and meat company sa Binan, Laguna sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa.

Kasama ng Pangulo sa nasabing warehouse inspection si DTI secretary Maria Cristina Roque.

Ipinapakita ng hakbang ang matibay na partnership at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at private industry na mabigyang garantiya ang publiko na available at nananatiling accessible ang essential food products sa mga Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na asahan ang maayos na food stock ng bansa at nakuha nila ang kooperasyon ng mga manufacturers para huwag magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang private sector gaya ng century sa pagpayag nitong huwag munang magtaas ng halaga ng kanilang commodity habang patuloy aniya ang gagawing pagmo- monitor sa araw araw na pangangailangan ng taumbayan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here