Manila, Philippines – Masaya ang sexy actress na si Ashley Lopez na nabibigyan siya ng chance na magpakita rin ng kanyang kakayahan sa mga drama scene, at hindi lang sa paghuhubad at love scenes siya napapansin.
Sambit ni Ashley, “Iyong Happy Ending po na movie, maganda yung story at may character development siya. At mas marami pong iyakan na nangyari rito sa Happy Ending, e.
“Showing na po ito ngayon sa VMX,” aniya pa.
Ano usually ang preparations niya bago sumabak sa love scene?
Esplika ng dalaga, “Importante po talaga yung hygiene, like mag-tootbrush at if kaya, nagsa-shower, ganoon po. Tapos ay nag-uusap kami ng ka-love scene ko kung ano limitations namin, kasi, kailangan na maging isa kami, e.”
Maingat at maalaga rin daw siya kapag love scene, na dapat ay mabango ang kanyang pechay o kiffy.
Natatawang pakli ni Ashley, “Opo, kailangan na mabango iyon, kasi kahit may plaster, baka mag-iba ang amoy. Maingat po ako diyan, baka kasi akalain nila kung ano iyong pawis na iyan at maging issue pa, hahaha!”
Ang latest movie ni Ashley ay “Tayuan 2.” Nagbigay siya nang kaunting patikim sa kanyang pinakabagong pampainit na pelikula.
Wika ng sexy actress, “Ang character ko po rito ay si Rhea, partner ko po rito si Marco Mora. Pinanood ko po ang movie ni Maricel Soriano na Batang Quiapo, kumbaga parang naging peg ko po iyong character niya roon. Kasama ko rin sa movie sina Chester Grecia at Dara Lima. Ito ay directed by Topel Lee po.”
Nagpapasalamat din siya na nabibigyan ngayon ng chance na makatawid sa mainstream. Recently ay nag-guest siya sa dalawang mainstream TV show.
Aniya, “Very thankful po ako at wish ko po na unti-unting makapasok na ako sa mainstrem TV po. Nakapag-guest po ako kamakailan sa Pepito Manaloto at sa Tiktoclock and sana po ay mas marami pang ganoon na opportunity.”
Pahabol pa ng seksing-seksing talent ni Jojo Veloso, “Opo naman, kahit nasa VMX po kami, puwede rin kaming sumabak sa mainstream TV at movies, hindi lang po kami pang-VMX.
“Kasi kami po, sexy artist po kami, pero kaya rin po naming mag-drama, mag-comedy at mag-action, all around po talaga kami. Pagdating po sa acting-an ay wala po kaming inuurungan talaga, kasi ay sobrang tapang po namin,” nakangiting sambit pa niya. Nonie Nicasio