Home ENTERTAINMENT Rhen at Joseph, may mutual admiration sa ginawang pelikula!

Rhen at Joseph, may mutual admiration sa ginawang pelikula!

199
0

Manila, Philippines – “It’s really fun especially working with Ren (Rhen Escaño). I enjoyed it so much.”

‘Yan ang pahayag ng mahusay na aktor na si Joseph Marco sa preskon ng Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss. Mapapanood sa Viva One na hatid ang inaabangang series adaptation ng My Husband Is a Mafia Boss ngayong April 11.

Sa panayam ay natanong si Joseph at ang kanyang ka-love team na si Rhen sa series na My Husband is a Mafia Boss kung ano ang masasabi nila sa isa’t isa at sa mga kasama nila sa serye.

Saad ni Joseph,  “It’s so fun kasi after reading the book version, ako naging fan talaga ako ng book and so you know bago pa kami mag-start sobrang excited na ako.

“Knowing the Zek and Amy character and ‘yung banter nila. It’s really fun especially working with Ren. I enjoyed it so much.

“Sobrang enjoy ko po na makatrabaho si Rhen.

“I guess, ito yata ‘yung pinaka-genuine na teamup na nagawa ko, and I am so blessed to have her as my leading lady sa Mafia Boss.

“I don’t think I would be able to do the things I do here kung hindi siya ang ka-partner ko that’s why I am so thankful.

“Very healthy ‘yung relationship namin and every time we have tapings, I am always excited to work with her.”

Saad naman ni Rhen, “Iba ‘yung feeling na kapag excited ka doon sa ginagawa mo.

“So lalo na with a director na very funny person. So ang saya talaga sa set, very light and ang saya-saya lahat ng tao, every single eksena after nu’n, magtatawanan.

“And so it’s a happy set talaga dahil sobrang gusto namin ‘yung ginagawa namin and also of course the project.”

Ipinagmamalaki ng Viva One na ihatid ang inaabangang series adaptation ng My Husband Is a Mafia Boss ngayong April 11.

Hango sa hit Wattpad novel ng yumaong manunulat na si Diana Marie Serrato Maranan, na mas kilala sa kanyang 1.4 million followers bilang si @yanalovesyouu, narito na ang isang action-packed romance na umani ng mahigit 223 milyong reads sa Season 1 pa lang, at mahigit 390 milyong reads sa buong series. Mula sa direksyon ni Fifth Solomon (My Sassy Girl, Sa Muli), mapapanood na sa wakas ng fans sa buong mundo ang isang kwentong puno ng kilig at thrill.

Gagampanan ni Joseph ang titular role, ang bilyonaryong si Ezekiel Zeke Roswell, isang matalinong engineer at CEO, na hindi alam ng marami ay siya ring makapangyarihang boss ng Roswell Mafia.

Tahimik at isang perfectionist, nirerespeto siya ng lahat, kahit saan siya pumunta.

Si Rhen ay si Aemie Romero, isang college student na tila isang walking sunshine. Masayahin, isip-bata, at may pagka-slow, si Aemie ay hinahangaan ng lahat sa campus. Kahit may pagka-inosente at palpak si Aemie, pagdating sa pag-aaral ay seryoso at focused siya. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here