Home NATIONWIDE ‘Zero crime’ layon ng PNP sa darating ng Holy Week

‘Zero crime’ layon ng PNP sa darating ng Holy Week

186
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine National Police (PNP), layon nilang maabot ang zero crime sa darating na Holy Week sa pamamagitan ng mas malapit na koordinasyon sa mga opisyal ng barangay.

Ani PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inutusan ang mga police commander na makipagtulungan sa barangay upang matiyak ang full implementation ng peace and order plans. “While we already mobilized a sufficient number of our personnel to secure the Holy Week and the entire summer, we always deem our partners in the barangays as an integral part of our peace and order plan and implementation. Our coordination is strong and working,” sabi ni Nartatez.

Magsisilbing first line of defense ang mga barangay unit para mas mapalakas ang presensya ng pulis at mas mabilis ang tugon sa insidente. Ipagdiriwang ang Holy Week ngayong taon mula Marso 29 hanggang Abril 5.

Noong Marso, inilunsad ng PNP ang kampanyang “Ligtas SUMVAC 2026” mula Marso 29 hanggang Mayo 31 para protektahan ang mga mamamayan sa summer break.

Noong Holy Week 2025, naitala ng PNP ang 64 na drowning, 15 sunog, 14 aksidente sa kalsada, at iba pang insidente tulad ng acts of lasciviousness, alarm and scandal, theft, at robbery. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here