Home HOME BANNER STORY 3.7M mag-aaral, magtatapos ng basic education sa SY 2025–2026

3.7M mag-aaral, magtatapos ng basic education sa SY 2025–2026

172
0

MANILA, Philippines – Tinatayang 3.7 milyong mag-aaral ang tatapos ng basic education sa School Year 2025–2026, ayon sa Department of Education (DepEd). Kabilang dito ang 1.9 milyon na Grade 6 at 1.8 milyon na Grade 12 mula sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa pampublikong paaralan, may 1.8 milyon Grade 6 at 1.1 milyon Grade 12 graduates. Bagama’t mataas ang bilang, binabahala ng mga eksperto kung handa na ba ang mga magtatapos sa susunod na yugto ng edukasyon o sa trabaho.

Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), malaking porsyento ng mga batang nag-aaral sa unang baitang ay nahihirapang magbasa—mga 85% ay struggling readers. Ang problemang ito ay nararanasan kahit sa urban areas, kabilang ang Metro Manila.

Naapektuhan din ang kasalukuyang batch ng graduates ng matagal na school closures noong pandemya. Kahit bumalik na ang face-to-face classes, naroroon pa rin ang learning loss, kakulangan sa resources, at compressed instructional time.

Sa 1.8 milyong senior high graduates, tumataas ang pressure sa higher education at labor market. Ayon sa EDCOM II, kailangan ng mas malalim na reporma sa edukasyon upang mapataas ang learning proficiency bago matapos ang senior high school. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here