MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador JV Ejecito nitong Biyernes sa Senado na kaagad amendahan ang rules upang tugunan ang absenteeism ng miyembro tulad ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi sumisipot sa sesyon simula noong Nobyembre 2025.
Sa pahayag, sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on ethics, na kanyang ipinanawagan ang pag-amyenda matapos tumanggap nag ilang reklamo laban kay Dela Rosa hinggil sa pagliban nito pero tumatanggap ng sahod at allowance sa Senado.
Naunang inihayag ni Ejercito na walang rules hinggil sa “no work, no pay” na maaaring gamitin laban kay Dela Rosa kaya’t maaaring ibasura ang ethics complaint laban kay Dela Rosa sa technicality na lubhang ikinadismaya ng netizen.
Pero, nilinaw ni Ejercito na: “I am not saying that I want the case against Senator Bato dela Rosa to be dismissed outright.”
“What I’m saying is that, it would be set aside if we are to take it up, because it is not yet covered by the Senate rules,” ani Ejercito sa statement.
Ayon kay Ejercito na maaaring amendahan ng Senate committee on rules ang umiiral na rules na sumasakop sa attendance at magtakda ng kaukulang parusa na aaprubahan sa plenaryo ng lahat ng miyembro.
“Perhaps it was not anticipated before that there would be a legislator who would be absent, which is why we now need to amend this as a whole body to include this,” aniya.
Huling dumalo sa sesyon si Dela Rosa noong Nobyembre 10, 2025.
Noong Nobyembre 8, 2026, inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay dela Rosa, pero itinanggi ng ilang opisyal ng gobyerno na wala pa silang natatanggap na dokumento.
Simula noon, hindi na nagpakita si Dela Rosa sa Senado kahit palagi nitong hinahamon ang ICC na maglabas ng warrant of arrest maging si dating Senador Antonio Trillanes III sa pagsasabing “bring it own.”
Kasama si Dela Rosa sa kinasuhan ng “crimes against humanity sa ICC sa The Hague, hinggil sa madugong drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nakakulong ngayon si Duterte sa The Hague matapos dakpin noong Marso 11, 2025 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng ICC. Ernie Reyes