Home METRO Kelot, grinipuhan ng kanyang bayaw

Kelot, grinipuhan ng kanyang bayaw

144
0

ILOCOS SUR, Philippines – Sugatan ang isang 58-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang bayaw sa bayan ng Caoayan ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa Caoayan MPS, ang biktima at ang 43-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan at ilang miyembro ng pamilya ay nag-iinuman nang dumating ang suspek na pinaniniwalaang nakainom din.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek at ang biktima hanggang sa umuwi ang suspek  para kumuha ng kutsilyo.

Nang makabalik ang suspek, agad nitong sinaksak ang biktima sa bandang tiyan.

Ang biktima ay agad na isinugod sa ospital samantalang arestado naman ang suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here