Home NATIONWIDE Public hospital palalakasin ng Senado para sa zero balance billing – Gatchalian

Public hospital palalakasin ng Senado para sa zero balance billing – Gatchalian

135
0

MANILA, Philippines – Nanindigan si Senador Win Gatchalian na isusulong niya ang dagdag at tuloy-tuloy na pondo para sa pagpapatatag ng kapasidad ng mga pampublikong ospital, isang mahalagang hakbang para gawing mas abot-kaya ang dekalidad na serbisyong kalusugan para sa mga Pilipino.

Personal na dumalaw si Gatchalian sa dalawang Department of Health (DOH) hospital upang suriin ang mga kakulangan sa imprastraktura at iba pang mga pangangailangan ng sektor ng kalusugan.

Matatandaan na noong tinatalakay ang 2026 national budget, pinuna ni Gatchalian ang matinding siksikan sa mga ospital. Ayon sa senador, may ilang mga DOH hospitals na umabot na sa 300% ng kanilang kapasidad, isang hamong kailangang tugunan ng pamahalaan.

Binigyang diin din ni Gatchalian ang pangangailangan para gawing mas simple ang mga mekanismo ng pamahalaan para pondohan ang mga programang pangkalusugan, kabilang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) reimbursements, mga programa para sa medical assistance, at Zero Balance Billing (ZBB) program.

“Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ating healthcare system, patuloy nating pagsisikapang magkaroon ng mas maraming hospital beds, healthcare professionals, at mga pasilidad para sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P62.7 bilyon ang inilaan para sa pagpapatupad ng ZBB sa mga DOH hospitals. Nakatanggap naman ng P1 bilyon ang ilang local government unit (LGU) hospitals para sa pagpapatupad ng ZBB. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here