Home NATIONWIDE 25 Pinoy na hagip ng MidEast tension, nakauwi na ng Pinas

25 Pinoy na hagip ng MidEast tension, nakauwi na ng Pinas

129
0

MANILA, Philippines – Dumating sa bansa ang panibagong grupo ng mga Pilipino mula Israel sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa pamahalaan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 25 repatriates ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bandang alas-9 ng gabi noong Sabado.

Kabilang sa grupo ang 24 overseas Filipino workers (OFWs) at isang bata.

Ito na ang ikalimang batch ng mga Pilipinong inilikas mula Israel at ikaapat na grupong dumaan sa Taba border sa Egypt bilang bahagi ng repatriation efforts ng gobyerno.

Pagdating sa bansa, agad silang binigyan ng financial at medical assistance ng DMW at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), gayundin ng transportasyon at pansamantalang tirahan habang umuuwi sa kani-kanilang probinsya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here