Home NATIONWIDE Krisis sa MidEast ‘di kasalanan ni PBBM; pagkakaisa, kailangan

Krisis sa MidEast ‘di kasalanan ni PBBM; pagkakaisa, kailangan

154
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa at kooperasyon mula sa publiko sa gitna ng epekto ng krisis sa Middle East sa ekonomiya ng bansa, at iginiit na hindi kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, batid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng publiko, lalo na ang pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng piso dulot ng hidwaan na kinasasangkutan ng US, Israel, at Iran.

“Sa panahon ngayon, ang kailangan natin ay pagkakaisa at pagtutulungan,” ani Castro, sabay diin na hindi ginusto ng pamahalaan ang kasalukuyang pangyayari.

“Hindi ito kasalanan ng Pangulo at ng gobyerno,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Castro na nakatuon ang administrasyon sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong sektor, partikular sa transportasyon, sa pamamagitan ng financial assistance at fuel subsidy.

Hiniling din niya ang pag-unawa at tiwala ng publiko habang binabalanse ng pamahalaan ang kapakanan ng mga commuter at operator ng pampublikong sasakyan.

“Sana magtulungan tayong lahat sa gitna ng krisis sa Middle East,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here