Home HOME BANNER STORY Mega oil price hike na naman: ‘Gang P17 sa diesel, P8 sa...

Mega oil price hike na naman: ‘Gang P17 sa diesel, P8 sa langis

163
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East na nakaaapekto sa pandaigdigang suplay ng langis.

Batay sa pagtataya ng industriya, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng P16.50 hanggang P17.50 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring umakyat ng P7.50 hanggang P8.50 kada litro.

Dagdag ito sa malalaking pagtaas na ipinatupad noong Marso 17 hanggang 23, kung saan umabot sa P20.40 hanggang P23.90 ang dagdag sa diesel, P12.90 hanggang P16.60 sa gasolina, at P6.90 hanggang P8.90 sa kerosene.

Dahil sa sunod-sunod na oil price hike, malaki na ang itinaas ng kasalukuyang presyo ng petrolyo sa National Capital Region. Ang diesel ay nasa pagitan na ng P91.35 hanggang P114.90 kada litro, ang gasolina ay P86.40 hanggang P100.30, at ang kerosene ay umaabot sa P91.90 hanggang P143.79 kada litro.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo, tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng langis sa bansa. Gayunman, nagbabala ito laban sa posibleng hoarding na maaaring magpalala sa sitwasyon, lalo na para sa sektor ng pampublikong transportasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here