MANILA, Philippines – Isang mananaya ang nagwagi ng P10 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw noong Sabado, Marso 21, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nakuha ng nag-iisang nanalo ang kombinasyong 18-12-37-02-30-24.
Samantala, walang nakakuha ng P45 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 kung saan ang lumabas na numero ay 02-18-47-12-32-11.
Sa iba pang laro ng PCSO, lumabas ang kombinasyong 3-8-0-0-4-6 sa 6D Lotto na may P2.68 milyong premyo ngunit walang nanalo. Sa 3D Lotto, may 170 nanalo sa 2 p.m. draw (2-8-9), 122 sa 5 p.m. draw (6-4-0), at 455 sa 9 p.m. draw (5-3-7), na bawat isa ay tumanggap ng P4,500.
Sa 2D Lotto naman, 282 ang nanalo sa 2 p.m. draw (17-24), 306 sa 5 p.m. draw (08-14), at 349 sa 9 p.m. draw (25-26), na may tig-P4,000 na premyo.
Ayon sa PCSO, ginaganap ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT