MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang maulap at maulang panahon sa buong bansa dulot ng umiiral na easterlies, ayon sa state weather bureau.
Magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region. Sa nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.
Nagbabala ang mga awtoridad na maaaring magdulot ang mga kondisyong ito ng flash floods o landslides sa mga apektadong lugar.
Inaasahan din ang mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa buong bansa. RNT