Home NATIONWIDE Suhol sa mga solon sa impeachment case vs VP Sara, itinanggi

Suhol sa mga solon sa impeachment case vs VP Sara, itinanggi

151
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng isang mambabatas ang alegasyon na may suhol umano sa mga miyembro ng House of Representatives upang suportahan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit na walang basehan ang mga paratang.

Mariing pinabulaanan ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre ang mga pahayag ni Rep. Toby Tiangco na umano’y may mga pondong ipinamahagi kapalit ng suporta sa impeachment.

“There was no bribe. There was no deal. There was no exchange,” ani Acidre, at iginiit na nakabatay lamang sa ebidensya mula sa mga pagdinig sa Kongreso ang kanyang desisyon.

Ayon sa kanya, personal niyang dinaluhan ang mga hearing, sinuri ang mga dokumento, at pinakinggan ang mga testimonya bago magpasya. Aminado rin siyang hindi naging madali ang kanyang desisyon dahil sinuportahan niya si Duterte noong halalan noong 2022.

“I campaigned for Vice President Duterte. I believed in her. That is precisely why this decision was not easy,” aniya, sabay diin na ang pamumuno ay nangangailangan ng “fidelity to the truth” kaysa personal na katapatan.

Tinawag din ni Acidre na “reckless and baseless” ang mga alegasyon at sinabing nakasisira ito sa integridad ng Kongreso at nakaliligaw sa publiko. Nilinaw din niya na walang anumang pressure o direktiba mula sa liderato ng Kamara, kabilang si dating Speaker Martin Romualdez.

“To suggest otherwise is a serious allegation that demands proof, not propaganda,” aniya.

Hinamon niya ang mga nag-aakusa na maglahad ng ebidensya sa tamang legal na proseso sa halip na maglabas ng walang basehang pahayag sa publiko.

“If such a claim were true, the proper course is obvious: present the evidence and prove it,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here