Home METRO Bata, nilamon ng ilog sa Bulacan

Bata, nilamon ng ilog sa Bulacan

181
0

Bulacan — Patay na nang marekober ng mga awtoridad ang batang iniulat na nawala matapos malunod sa ilog malapit sa ilalim ng tulay sa Hagonoy nitong Biyernes ng hapon, Marso 20.

Sa ulat at sa Facebook post na nag-viral tungkol dito, kinilala ang bata sa alyas na “Alfredo,” 13, residente ng Brgy. San Pedro.

Ayon sa ulat at base sa lumabas na CCTV footage, namataan ang biktima na nalulunod at tuluyang lumubog sa ilalim ng Hagonoy-Hangga Bridge.

Dahil dito, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad mula sa Brgy. San Pedro, MDRRMO, at mga pulis, subalit nabigong makita ang bata nang gabing iyon.

Nabatid na muling ipinagpatuloy ang operasyon bandang 6:00 ng umaga kinabukasan katuwang ang PDRRMO at PCG hanggang sa matagpuan ang biktimang wala nang buhay bandang 7:15 ng umaga malapit sa nasabing tulay.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kakilala at kababayang netizen sa batang nalunod sa ilalim ng tulay na nagdudugtong sa bayan ng Hagonoy at Paombong. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here