Home METRO Ginang timbog sa P1.6M iligal na yosi

Ginang timbog sa P1.6M iligal na yosi

544
0

Bataan — Dinakip ng pulisya ang isang 58-anyos na ginang matapos makumpiskahan ng umano’y mga ilegal na sigarilyo (untaxed) na nagkakahalaga ng P1.6 milyon sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Araro, Barangay San Vicente, Orion.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Naaresto ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng limang (5) master cases ng ilegal na Modern Cigarettes sa undercover police.

Nakumpiska sa suspek ang 20 master cases ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng higit P1.6 milyon at ang P11,500 na marked money na ginamit sa buy-bust.

Ikinasa ng mga awtoridad ang patibong katuwang ang Bureau of Customs (BoC).

Kilala ang lalawigan ng Bataan na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, gayundin ang mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng sigarilyo sa lahat ng establisimiyento sa naturang lugar.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hindi palalagpasing hulihin ang mga establisimiyento na nagbebenta ng mga ilegal na sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa mga kaukulang kaso. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here