Home HOME BANNER STORY Ayuda sa PUV drivers, palalawigin ng DSWD

Ayuda sa PUV drivers, palalawigin ng DSWD

169
0

MANILA, Philippines – Magpapalawig ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamamahagi ng cash relief sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa labas ng National Capital Region (NCR) pagkatapos ng Holy Week para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, inihahanda ng DSWD ang susunod na yugto ng pamamahagi habang nagpapatuloy ang payouts sa NCR.

“Ang target po natin ay makapag-umpisa tayo right after Holy Week. Sa ngayon, hindi pa natin nakikita ang kabuuang bilang ng mga drivers sa iba’t ibang panig ng ating bansa,” sabi niya.

“Once we have that data, we can start plotting kung ilang araw ang kakailanganin to complete the distribution.”

Kasunod ng unang pamamahagi ng PHP5,000 sa mga tricycle drivers noong nakaraang linggo, ipagpapatuloy ng DSWD ang payouts para sa ibang PUV drivers simula Marso 24.

-27,635 transport network vehicle service drivers – Marso 24

-Mahigit 21,700 public utility jeepney drivers – Marso 25

-137,700 delivery riders – Marso 26 at 27

-27,600 motorcycle taxi drivers – Marso 28

“Ang gusto po ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay matulungan lahat ng ating drivers na may suliraning kinakaharap bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo,” dagdag ni Dumlao.

Upang mabilis at maayos ang payout, mahigpit ang verification ng DSWD, kabilang ang physical presence ng beneficiaries at pag-validate ng kanilang identity para maiwasan ang duplication.

Iba pang sektor ay tinutulungan ng iba pang ahensya: taxi drivers – Department of Transportation, at mga magsasaka at mangingisda – Department of Agriculture.

Pinapayuhan ng DSWD ang mga drivers na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para masiguro ang kanilang pangalan sa official list. Kailangang sundin ang takdang schedule at magdala ng valid driver’s license at photocopy kapag kukunin ang cash assistance. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here