TEHRAN, Iran – Naglunsad ng babala ang Iran nitong Linggo na tatamaan nila ang energy at water systems ng kanilang Gulf neighbors kung susundin ni US President Donald Trump ang banta na pasabugin ang Iran’s electricity grid sa loob ng 48 oras.
Ayon sa Khatam Al-Anbiya, kung tatamaan ang Iran, “ang Strait of Hormuz ay ganap na isasara at hindi bubuksan hanggang maibalik ang mga nasirang power plants.”
Dagdag pa, banta rin ang pag-atake sa power plants, energy, at ICT infrastructure ng Israel at mga karatig-bansa na may US presence.
Nagpatunog ng air raid sirens sa Israel, kasunod ng missile attacks mula Iran na nakasugat ng maraming tao sa Arad at Dimona. Tumugon ang Israel sa pamamagitan ng pag-atake sa Tehran.
Simula noong Pebrero 28, umabot na sa mahigit 2,000 ang namatay sa digmaan na nagdulot ng pagkaantala sa shipping lanes, pagtaas ng presyo ng langis, at pandaigdigang takot sa inflation.
Inireklamo ng Iran na ang pag-atake sa kanilang power plants ay maaaring magdulot ng blackouts at pinsala sa buong imprastraktura, kabilang ang pumps, refineries, at military command centers.
Sa kabila ng tatlong linggong intensive strikes ng US at Israel, naglunsad ang Iran ng long-range ballistic missiles na umaabot ng 4,000 km, kabilang ang pagtama malapit sa nuclear reactor ng Israel sa Dimona.
Kasabay nito, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon, na suportado ng Iran, na kumitil sa mahigit 1,000 buhay sa Lebanon at nagdulot ng mga rocket attacks sa hilagang Israel.
Pinabulaanan ng Iran ang banta sa mga barko mula sa kaalyado nito, ngunit sinabi nilang bablock-in ang mga barko mula sa mga bansang itinuturing nilang kaaway. Sa ngayon, halos 95% ng mga barko ay nanatili sa loob ng strait. RNT/MND