MANILA, Philippines – Sa paggunita ng World TB Day, muling pinaalalahanan ng Department of Health–Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang publiko nitong Sabado na huwag balewalain ang sintomas ng tuberculosis at magpa-early screening upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at mailigtas ang buhay.
Ayon sa data ng Epidemiology Bureau, may 101,807 TB cases na naitala sa National Capital Region (NCR) hanggang Pebrero 16. Dahil dito, pinaigting ng DOH-MMCHD ang efforts sa maagang detection, tamang paggamot, at prevention.
“There is something we can do. And there are services ready to help you. TB is curable. It should not be feared, and even more so, it should not be a source of shame,” binigyang-diin ni DOH-MMCHD Regional Director Lester Tan.
Pinayuhan ang mga may sintomas tulad ng ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, pananakit ng dibdib, lagnat, panghihina, pagpapawis sa gabi, at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang na agad magpatingin sa pinakamalapit na health center.
Noong 2025, mahigit 3.1 milyon sa NCR ang na-screen bilang bahagi ng expanded case-finding efforts. Available rin ang free diagnostic testing at kumpletong paggamot sa mga pampublikong health facilities.
Itinutulak din ang TB Preventive Treatment (TPT) lalo na sa high-risk groups tulad ng mga bata at iba pang vulnerable populations para maiwasan ang active TB at maputol ang chain of transmission sa komunidad.
Kasabay ng World TB Day, pinalalakas ng DOH-MMCHD ang partnerships sa lokal na pamahalaan at stakeholders para sa:
–Expanded TB screening sa communities, schools, at workplaces
–Community-based interventions para sa high-risk populations
–Health education campaigns laban sa stigma at maling impormasyon tungkol sa TB
“Let us remember that the fight against TB is a fight for every Filipino, regardless of age or sector,” dagdag ni Tan. RNT/MND