Home HOME BANNER STORY Makabayan bloc hinihikayat si PBBM tanggihan US-backed ammunition plant sa Pinas

Makabayan bloc hinihikayat si PBBM tanggihan US-backed ammunition plant sa Pinas

139
0

MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Makabayan bloc sa House of Representatives si President Marcos na tanggihan ang proposal para sa pagtatayo ng US-backed ammunition factory sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, ilalagay lamang nito ang bansa sa panganib bilang target ng mga kaaway ng Washington.

“Oppose kami sa planong itayo ang ammunition loading, assembly, at packaging facility sa Pilipinas, kasama ang missile motor at drone manufacturing cooperation sa rehiyon,” ayon sa pahayag ng Makabayan nitong Linggo, Marso 22.

“Hindi ito pag-unlad—pagiging kasabwat ito sa gera,” dagdag nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, at Kabataan Party-list Rep. Renee Co.

Aniya, sa panahon ng pagtaas ng presyo ng gasolina at epekto ng digmaan sa Middle East, “hindi dapat gawing logistical extension ng US warmongering ang Pilipinas.”

Dagdag pa ng grupo, ang hosting ng ammo production lines ay “direct material support for militarism and aggression” at nagpapalantad sa bansa sa retaliation, sabotage, aksidente, at escalation.

“Ginagawa tayong target. Ginagawa tayong bodega ng bala,” sabi nila.

Tinukoy din nila na ang produksyon ng armas ay “hindi neutral na industriya” at nakabatay sa profiteering mula sa conflict.

“Sa harap ng tumataas na presyo, inflation, at kakulangan sa social services, kasuklam-suklam na i-retool ang ekonomiya para sa bala habang nahihirapan ang mamamayan. Bala ang inaalok habang gutom ang mamamayan,” dagdag nila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here