Home HOME BANNER STORY Nationwide fuel subsidy rollout sa ibang transport sectors, ikakasa sa Abril 6

Nationwide fuel subsidy rollout sa ibang transport sectors, ikakasa sa Abril 6

138
0

MANILA, Philippines – “Hindi kayo maiiwanan!”

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa ibang transport sector matapos ianunsyo na magsisimula na sa Abril 6 ang nationwide fuel subsidy rollout para sa mga ito.

Sa isang vlog, inilabas araw ng Linggo, Marso 22, sinabi ni Pangulong Marcos na ang fuel subsidy ng transportation department ay inilabas na, pagtiyak ng pagsuporta sa transport sector sa gitna ng sumirit na presyo ng petroleum products dala ng labanan sa Gitnang Silangan.

“Naiintindihan natin ang sigaw ng mga nagpoprotesta na kababayan nating nasa sektor na ito. Pero gusto kong ulitin sa inyo — hindi kayo maiiwanan. Hindi kayo pababayaan ng pamahalaan,” ang sinabi ng Pangulo.

Kamakailan, sinabi ng Pangulo na 140,000 tricycle driver ang makikinabang sa naturang tulong.

Inulit nito na ang nagpapatuloy an hakbang ay makapagpapagaan sa magiging epekto sa mga mananaay gaya ng Libreng Sakay at fare discounts sa MRT-3 at LRT-2.

“Ang pag-release naman ng mga iba pang pondo para sa mga cash relief at subsidies ay patuloy sa iba’t ibang mga ahensya,” ani Pangulong Marcos.

Makatatanggap din aniya ng fuel subsidy ang mga magsasaka at magingisda.

“Ongoing na talaga yung mga programang ‘yan. Pero nagpatagdag pa tayo ng 50 million sa mga regional field officers,” anito.

Patuloy namang nakikipag-usap ang gobyerno sa iba’t ibang fertilizer-producing countries habang tiniyak nito sa publiko na sapat ang suplay sa susunod na buwan at patuloy na naghahanda para sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na naghahanap ang gobyerno ng iba pang potensiyal na pagkukuhanan ng langis.

Sa katunayan, isinasagawa na ang pakikipag-usap sa trade partners gaya ng Tsina, Japan, Thailand, Brunei at South Korea para sa posibleng supply agreements.

“Maganda naman ang nagiging usapan natin. Buti na lang at talagang kinakaibigan natin sila at sila’y handang tumulong sa atin,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Tiniyak naman ng Pangulo na ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin at prime commodities ay nananatiling matatag, sabay sabing patuloy na makikipag-ugnayan ang gobyerno sa manufacturers ngayong ‘critical time.’

“Sa awa naman ng Diyos, stable pa at wala namang masyadong pag abuso. Walang nagbebenta ng higit sa suggested retail price,” ang sinabi ng Pangulo.

“Napapag-usapan din ang paglalagay ng price cap muna sa bigas. Abangan po natin ito,” aniya pa rin.

“The government is also coordinating with power generation companies to augment the country’s grid capacity for the next 60 days,” ayon sa Chief Executive.

Tinuran pa ng Pangulo na may 23 power projects na may 900 megawatts capacity ang inaasahan na magpapatuloy para makatulong sa suplay.

“Ongoing din ang koordinasyon sa paggamit ng Malampaya Natural Gas na full capacity para madagdagan naman ang supply natin sa kuryente,” ang sinabi nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here