Home NATIONWIDE KMU, nagkasa ng kilos protesta sa tapat ng US Embassy

KMU, nagkasa ng kilos protesta sa tapat ng US Embassy

131
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang ginagawang hakbang ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan na nagbunsod sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo .

Ngayong Lunes ng umaga, nagsagawa ng kilos protesta ang KMU sa tapat  ng US Embassy sa Roxas Blvd. sa Maynila

Giit ni Jerome Adonis ang Chairperson ng KMU, dapat ng tumigil ang gobyerno ng Amerika sa pag-atake sa Iran lalo na’t nalalagay sa alanganin ang mga OFWs sa Gitnang Silangan.

Bukod Dito, lubhang naaapektuhan na ang mamamayan dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na inaasahang maging ang iba pang bilihin ay magtataasan na rin.

Iginiit din ng grupo na dapat alisin o tuluyan nang I asura ang  oil deregulation law at tanggalin na ang VAT sa langis lalo na ngayon panahin na hirap na hirap na ang mga ordinaryong manggagawa.

Binatikos din nila ang naging pahayag ni Energy Secretary Sharon Garin na baguhin ang lifestyle kung saan sa halip na gumawa ng paraan ang kalihim para sa ikakabuti ng mga ordinaryong pamilyang pilipino ay nais pa yata nitong pahirapan at lalo pang mabaon ang manggagawa sa kasalukuyang sitwasyon.

Muli rin nilang hiling na itaas sa P1,200 ang arawan sahod ng mga manggagawa lallo na ngayon tumataas halos lahat ng mga pangunahing bilihin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here