MANILA, Philippines – Magkakasa ng sabayang transport strike sa buong bansa ang ilang transport groups sa Marso 26 at 27 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay PISTON national president Mody Floranda, sasali ang mga public utility jeepneys (PUV), utility vehicle express (UVE), transport network vehicle services (TNVS), at motorcycle taxis (MC), kasama ang iba pa.
Hinikayat ng mga grupo ang pagbaba ng presyo ng langis, pagtanggal ng excise tax, at pag-alis ng Oil Deregulation Law. RNT/MND