Home ENTERTAINMENT Bday celeb ni Kathryn, inagahan—mag-a-abroad?

Bday celeb ni Kathryn, inagahan—mag-a-abroad?

147
0

Manila, Philippines — Sa March 26 pa ang 29th birthday ni Kathryn Bernardo, pero napaaga ito nang isang linggo.

Nagkaroon kasi ng selebrasyon sa production ng seryeng ginagawa ng Kapamilya actress kasama sina James Reid at Maja Salvador.

May pasilip sa social media ang ganap sa nasabing okasyon kung saan binati si Kathryn ng cast at crew.

Kinantahan siya ng birthday song, with matching munting salu-salo na inihanda ng production.

Palaisipan tuloy kung bakit napaaga ang selebrasyon.

Posible raw kasi na may nakaplano nang biyahe ang buong pamilya ni Kathryn.

Could the family be in Lucena City sa mismong kaarawan ni Kathryn kung saan ang punong-abala ay si Mayor Mark Alcala, her rumored boyfriend?

Eh, ano naman?

For all we know, isasabay na rin ang pa-hard launch sa kanilang relasyon—huwag na kasing patagalin, ’no! (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here