MANILA, Philippines – Lubos na nagpasalamat si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa Department of Justice (DOJ) at mga volunteer lawyers para sa matagumpay na pagsasagawa ng Katarungan Caravan na naghatid ng serbisyong legal at dokumentaryo sa mga residente.
Sa pamamagitan ng programa, nakakuha ang mga Navoteño ng PSA documents, NBI at prosecutor’s clearance, gayundin ng libreng legal consultation sa iisang lugar.







