MANILA, Philippines – Nagpulong ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga kinatawan at leader ng maritime agencies upang talakayin ang kinakaharap ngayon na krisis sa produktong petrolyo.
Pinangunahan ang pulong ni Transportation Acting Secretary Giovanni Z. Lopez kung saan tinalakay din ang epekto nito sa operasyon ng sektor ng transportasyong pandagat.
Dinaluhan ito ng mga opisyal mula sa Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ibinahagi nila ang kani-kanilang kinakaharap na sitwasyon at rekomendasyon upang mapanatili ang maayos, ligtas, at abot-kayang serbisyo para sa mga pasahero at stakeholder ng industriya.
Layunin ng pagpupulong na makabuo ng mga konkretong hakbang at posibleng solusyon upang matiyak ang tuloy-tuloy at episyenteng serbisyo sa gitna ng mga hamong kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden