Home NATIONWIDE CPP ‘di kayang kontrahin maraming aplikante sa amnesty program – ELCAC

CPP ‘di kayang kontrahin maraming aplikante sa amnesty program – ELCAC

118
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng NTF-ELCAC na hindi umano kayang kontrahin ng CPP ang mataas na bilang ng mga aplikante sa amnesty program, na indikasyon ng pag-alis ng kanilang mga miyembro sa armadong kilusan.

Ayon kay Undersecretary Ernesto Torres Jr., ipinapakita ng dami ng aplikante na nahihirapan ang CPP na pigilan ang pag-alis ng kanilang mga kasapi.

“This is what the CPP fears—the truth that their own members are leaving, choosing dignity, stability, and a brighter future with their families,” aniya.

Dagdag pa niya, sinisikap na lamang ng CPP na pahinain ang kredibilidad ng mga sumuko sa pamamagitan ng pagdududa sa kanilang mga testimonya, kahit ang mga ito ay dumaan sa due process.

Ipinunto rin ni Torres na kaugnay ang amnesty program sa mga inisyatiba ng pamahalaan tulad ng Barangay Development Program na nagdadala ng serbisyo at imprastraktura sa mga komunidad.

“While the CPP offers only conflict, the government offers construction—not just of roads and schools, but of lives and communities. For the CPP, amnesty may be just a piece of paper. But for thousands of Filipinos, it is a passport back to society, stability, and hope,” aniya.

Ayon sa National Amnesty Commission, umabot na sa 16,003 ang aplikasyon sa programa, kung saan 13,633 ay mula sa CPP-NPA-NDF, 1,240 mula sa MILF, 646 mula sa MNLF, at 484 mula sa RPM-P/RPA-ABB o Kapatiran. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here