Home METRO Barangay kagawad dedo sa tambang sa N. Samar

Barangay kagawad dedo sa tambang sa N. Samar

163
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad habang nakaligtas ang kanyang kinakasama matapos silang tambangan ng mga armadong suspek sa Northern Samar, kung saan agad ding naaresto ang dalawang pinaghihinalaan, kabilang ang kapwa opisyal ng barangay.

Naganap ang insidente bandang 8:30 ng umaga sa Barangay Osmeña, Lope de Vega habang naglalakad ang mga biktima mula Barangay Buenavista, Calbayog City nang bigla silang pagbabarilin sa isang river crossing.

Agad na rumesponde ang pulisya sa kabila ng mahirap na terrain at nagsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek bandang alas-4 ng hapon sa Barangay Buenavista.

Ayon sa paunang imbestigasyon, personal na alitan ang posibleng motibo ng krimen na nagmula umano sa pagtatalo habang nag-iinuman.

Nagsampa na ng kasong murder laban sa mga suspek na kasalukuyang nakakulong, ayon sa pulisya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here