Home METRO Bebot, nabitag sa pangingikil ng P2M sa dayuhan

Bebot, nabitag sa pangingikil ng P2M sa dayuhan

142
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang babae sa Maynila matapos umano itong mangikil ng P2 milyon sa isang dayuhan sa pamamagitan ng pananakot gamit ang online messaging.

Nahuli ang suspek sa isang entrapment operation ng PNP Cyber Response Unit sa Apacible at Perez Streets matapos magsampa ng reklamo ang biktima dahil sa natanggap na banta.

Ayon sa pulisya, humihingi umano ang suspek ng P2 milyon at nagbanta ng pananakit kung hindi ito ibibigay. Narekober sa kanya ang marked money, boodle money, cellphone, at mga ID.

Pinuri ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mabilis na aksyon ng mga operatiba.

“Hindi natin papayagan na gamitin ang teknolohiya para manakot at mang-extort. The PNP is ready and capable of going after those who exploit digital platforms to commit crimes,” aniya.

Hinimok din niya ang publiko na maging maingat sa pakikipag-ugnayan online.

Ayon sa pulisya, patuloy ang kanilang pagbabantay laban sa online extortion at hinihikayat ang publiko na agad i-report ang kahina-hinalang mensahe at tumawag sa 911 para sa tulong. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here