Home NATIONWIDE Simple, murang graduation rites, iniatas ng DepEd sa mga paaralan

Simple, murang graduation rites, iniatas ng DepEd sa mga paaralan

169
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na magsagawa ng simple at murang graduation at moving-up ceremonies para sa School Year 2025–2026 upang mabawasan ang gastos ng mga pamilya.

Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 015, s. 2026, ipinagbabawal ang paniningil ng bayarin sa mga mag-aaral para sa pagtatapos.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nitong maibsan ang gastusin ng mga magulang sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pamasahe.

Iginiit din ng DepEd na hindi dapat nakabatay sa kakayahang magbayad ang paglahok sa graduation at dapat maging inklusibo ang mga seremonya.

Hinihikayat ang mga paaralan na idaos ang rites sa loob ng paaralan o sa covered court upang maiwasan ang dagdag gastos.

Nilinaw din na hindi dapat gawing requirement ang mga aktibidad tulad ng field trips at prom.

Popondohan ang mga seremonya mula sa MOOE ng mga paaralan.

Tinatayang 1.9 milyong Grade 6 at 1.8 milyong Grade 12 ang magtatapos ngayong taon, at gaganapin ang rites sa Marso 30 o 31, 2026. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here