MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Philippine Posts Authority (PPA) ang P1 rool-on/roll-off (RoRo) terminal fee para sa Class 3 at 4 sa mga sasakyang na bumibiyahe ng produktong agrikultura ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, nagpasya na magbigay ng diskwento sa mga sasakyan ang maritime sector at PPA -operated posts.
Sinabi ni Lopez na ang diskwento sa sandaling maaprubahan ay sasaklawin ang raw at unprofessional agricultural products.
Ang kasalukyang RoRo terminal fees ng Class 3 at 4 vehicles ay P258 at P516, ayon sa pagkakasunod.
Nauna nang inanunsyo ng DOTr ang 50% discount sa pamasahe pAra sa Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit (LRT) Line 2 epektibo nitong Lunes, Marso 23.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa Light Rail Manila Corporation na gawin ang parehong diskwento para sa pamasahe sa LRT Line 1 na pinamamahalaan ng pribadong entidad.
Bukod dito, magkakaroon din ng dalawang buwang toll discount para sa Class 1 na pampublikong sasakyan, Class 2 na pampublikong bus, at Class 3 na sasakyang pangkarga sa North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, at Southern Tagalog Arterial Road. Jocelyn Tabangcura-Domenden