Home NATIONWIDE Rep. Olivarez tinangkang ireklamo ng asawa ng psychological abuse sa DOJ

Rep. Olivarez tinangkang ireklamo ng asawa ng psychological abuse sa DOJ

175
0

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang paghahain ng reklamong phychological abuse sa ilalim ng Anti Violence Against Women and Their Children Act sa Department of Justice (DOJ) ni Aileen Clare Riate Olivarez laban sa kanyang asawa na si Parañaque 1st District Representative Eric Olivarez

Nilinaw ni Atty. Greta Buna Cruz na tinangka nilang mag-file sa Office of the City Prosecutor ng Parañaque pero pinayuhan silang sa Department of Justice na lamang maghain ng reklamo para hindi maimpluwensyahan ng respondent ang kaso.

Gayunman pagdating naman sa DOJ, pinayuhan naman ang kampo ni Aileen Olivarez na kailangan lamang nila maghain ng request letter o motion to transfer venue sa DOJ.

Sa media interview kay Aileen, panahon na aniya para maghain siya ng reklamo dahil sa nararanasan niyang pang-aabuso sa kanyang asawa na pati ang kanilang anak ay nadadamay na rin.

Sinabi ni Aileen na minabuti niyang sa DOJ maghain ng reklamo at hindi sa Parañaque dahil sa hurisdiksyon ito ng mambabatas at malakas aniya ang kanyang kapangyarihan kaya nagpasya itong sa justice department dumulog para magkaroon ng patas at hindi magkaroon ng bias sa resolusyon.

Isa aniya sa ibinigay na phychological abuse sa kaniya ng asawa ay ang pagpasok sa kanyang bahay sa Baguio kung saan may inutusan para iransak at kunin ang kaniyang SD card.

Sinabi pa ni Aileen na patuloy pa ring gumagamit ang kanyang asawa ng kapulisan bilang personal escort kaya naghain din siya ng reklamo sa Napolcom.

Naghain rin siya ng ethics complaint laban sa kanyang asawa sa ethics committee ng Kamara at hanggang ngayon ay hinihintay pa niya ang kasagutan ng komite.

Ayon kay Aileen, 1997 pa nang magsimula ang pang-aabuso sa kanya ngunit dahil sa pag-aakalang maayos pa ang kanilang relasyon at pakiwari na magbabago naman kaya hindi niya ito binigyang pansin.

Gayunman, nang mangyari ang insidente sa kanyang bahay sa Baguio na nakaapekto sa kanilang anak, dito na niya nakapagpasya at naglakas loob na maghain ng reklamo laban sa asawa.

Ang reklamo ay inaasahang maihahain na loob ng linggong ito ayon kay Atty. Cruz. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here