Home NATIONWIDE Nagsarang 400 gasolinahan, iimbestigahan ng DOE

Nagsarang 400 gasolinahan, iimbestigahan ng DOE

122
0

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang pagsasara ng mahigit 400 fuel stations sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, kasabay ng pangamba sa posibleng hoarding at profiteering.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, sinusuri ng Oil Industry Management Bureau ang dahilan ng pagsasara ng 403 gas stations mula sa kabuuang 14,313 sa bansa.

“The oil management bureau is now investigating why these gas stations closed down,” ani Fuentebella.

Sinabi niya na inaalam kung may kinalaman sa ilegal na gawain ang mga pagsasara, at nagbabala na maaaring patawan ng parusa ang mga lalabag, kabilang ang pagbawi ng certificate of compliance.

“That’s what our OIMB (Oil Industry Management Bureau) is checking. If we find it unreasonable, there will be temporary or permanent revocation of the certificate of compliance,” dagdag niya.

Nangyayari ang mga pagsasara sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng kakulangan sa suplay kaugnay ng sigalot ng US at Israel laban sa Iran.

Pinalakas din ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga gas station at nagbabala laban sa hoarding at manipulasyon ng presyo.

Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nauunawaan ng pulisya ang sitwasyon ng mga may-ari ng gas station ngunit hindi palalagpasin ang anumang ilegal na gawain.

“We in the PNP fully understand the situation that gas station owners face amid the challenges brought by the situation in the Middle East,” ani Nartatez.

“But if the sudden closure is for an illegal scheme, then expect police action on this matter,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Fuentebella na layunin ng DOE na tiyakin ang sapat na suplay ng langis at patas na operasyon sa merkado. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here