Home NATIONWIDE Palasyo itinanggi paglabas-pasok ni Romualdez sa kulungan

Palasyo itinanggi paglabas-pasok ni Romualdez sa kulungan

2
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang ang alegasyong nakalalabas at nakababalik umano sa detention facility si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa tulong ng mga tauhan ng kulungan.

Sinabi ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro na batay sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), walang naitalang power interruption o pagkawala ng CCTV coverage sa Quezon City Jail Male Dormitory sa panahong sinuri.

Wala rin umanong rekord na lumabas si Romualdez sa pasilidad maliban sa kanyang pagdalo sa isang pagdinig noong Oktubre 12.

Ayon kay Castro, mahalagang masiguro na walang sinumang detainee ang nakatatanggap ng espesyal na pagtrato anuman ang dating posisyon o koneksiyon sa gobyerno.

Binigyang-diin niya na dapat pantay ang pagtrato sa lahat ng nakakulong at sinabing sinuri ang mga alegasyon upang matukoy ang katotohanan.

Kinuwestiyon din ni Castro ang motibo ng mga nagpapakalat ng naturang impormasyon at sinabing maaari nitong sirain ang tiwala sa gobyerno at sa mga ahensiyang nangangasiwa sa detention ni Romualdez.

Si Romualdez ay nakadetine sa New Quezon City Jail sa Payatas mula Setyembre 14 matapos iutos ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang transfer mula sa ospital.

Nauna siyang inisyuhan ng warrant of arrest noong Setyembre 7 kaugnay ng isang non-bailable plunder case. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here