Home HOME BANNER STORY Presyo ng gasolina posibleng bumaba ng higit P9 kada litro

Presyo ng gasolina posibleng bumaba ng higit P9 kada litro

10
0

MANILA, Philippines — Nananatiling malaki ang posibleng rollback sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang ikalawang araw ng trading sa international market.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) data para sa trading noong Lunes at Martes, posibleng bumaba ng P9.40 kada litro ang gasolina.

Tinatayang P3.30 kada litro naman ang rollback sa diesel habang P3.50 kada litro sa kerosene.

Ayon sa industry sources, nakatulong sa pagbaba ng presyo ang positibong pananaw sa posibilidad ng diplomatic efforts para sa isang peace agreement sa gitna ng tensiyon sa Middle East.

Nananatili ang downward trend kahit nagsagawa ng pag-atake ang Estados Unidos sa isang target sa Iran noong Lunes.

Gayunman, sinabi ng industry sources na maaari pang maramdaman sa susunod na trading ang epekto ng naturang pag-atake at mabawasan ang kasalukuyang inaasahang rollback.

Nauna nang nagpaalala ang Department of Energy na maaga pa upang matukoy ang aktuwal na magiging pagbabago sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Ang mga naturang halaga ay batay lamang sa unang dalawang araw ng international trading at maaari pang magbago bago ang opisyal na price adjustment. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here