Home NATIONWIDE Tamang pasahod sa holidays sa Abril, ipinaalala ng DOLE

Tamang pasahod sa holidays sa Abril, ipinaalala ng DOLE

206
0

MANILA, Philippines – Pinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ang tamang benepisyo sa mga manggagawa na papasok sa trabaho sa ilang araw ng Abril kabilang na ngayong Semana Santa

Kabilang dito ang April 2 at 3 o Huwebes at Biyernes Santo gayundin ang April 9 o Araw ng Kagitingan na pawang deklaradong regular holiday.

Ayon sa DOLE, bayad pa rin ang mga empleyado sa nasabing petsa na hindi papasok habang double pay naman sa mga magseserbisyo sa kanilang mga kumpanya

Makakatanggap naman ng karagdagang 30% sa kada oras na ipagsisilbi ng mga kawani na magtatrabaho ng lagpas sa 8 oras bukod sa hiwalay na 30% sa double pay na dapat tanggapin kung papatak ito sa kanyang araw ng pahinga o rest day

Samantala, ang mga magtatrabaho naman sa April 4 o Black Saturday na isang special non-working day , iiral ang patakarang – no work, no pay maliban kung may hiwalay na panuntunan sa CBA ng mga manggagawa

Kung papasok naman ay may dagdag na 30% sa unang 8 oras

May 30% din na dagdag sa bawat oras ng overtime habang may 50% ang karagdagang makukuha ng kawani na papasok sa naturang araw na kanyang rest day. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here