Home NATIONWIDE Walang nabago sa relasyon ng Pinas at Iran – DFA

Walang nabago sa relasyon ng Pinas at Iran – DFA

175
0

MANILA, Philippines — Mananatiling hindi nagbabago ang diplomatic relations ng Pilipinas sa Iran sa kabila ng mga nagaganap na pagbabago sa pamunuan nito, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro.

Sinabi ni Lazaro na hindi muling sinusuri ng pamahalaan ang ugnayan nito sa Tehran kasunod ng pagkamatay ng dating Supreme Leader na si Ali Khamenei, at binigyang-diin na prayoridad ang kaligtasan ng humigit-kumulang 800 Pilipino sa Iran.

“Nandon pa rin ang diploamtic relations, simply because meron pa rin tayong mga kababayan na nandon sa loob at iniisip,” aniya.

“Kailangan tayo magkaroon ng access sa kanila,” dagdag niya.

Aniya, nananatiling bukas ang embahada ng Pilipinas sa kabisera ng Iran upang pangalagaan ang mga Pilipino, kahit na ang Estados Unidos at Israel ay walang diplomatic relations sa nasabing bansa.

Sinabi rin ni Lazaro na hindi pa kinikilala ng Pilipinas si Mojtaba Khamenei bilang bagong Supreme Leader ng Iran.

“Wala pa kaming binibigay na outright recognition. Parang status quo lang,” aniya, at idinagdag na gagawin ito sa “appropriate time.”

“So ‘di pa muna titingnan muna natin. Kumbaga ang pag-iisip namin ay ano ba ang safety ng ating mga kababayan. The political part, tignan natin hanggang humupa ang sitwasyon,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Lazaro na hindi ipinaalam sa Pilipinas ang planong pag-atake ng Estados Unidos sa Tehran na nagresulta sa pagkamatay ng Supreme Leader.

“Wala. Hindi natin alam. I think it’s a sovereign right ng mga countries, particularly the United States. Meron naman silang sariling batayan sa gagawin nila,” aniya.

Wala rin umano siyang impormasyon kung humiling ang Pentagon na gamitin ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here