Home NATIONWIDE DFA: Oil talks sa China, maaaring ibalik ng PH

DFA: Oil talks sa China, maaaring ibalik ng PH

103
0

MANILA, Philippines – Wala pang pormal na usapan ang Pilipinas at China ukol sa joint oil exploration, ngunit posibleng mangyari ito lalo na sa banta ng oil crisis dulot ng tensyon sa Middle East, ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro nitong Marso 25.

Ayon kay Lazaro, “at this point in time” ay wala pang restart ng talks, ngunit “I think it will be forthcoming.”

“Hindi naman yan bago… nagkaroon lang ng onting hindi pagkakaintindihan sa finer points… may mga isyu rin tulad ng posibleng constitutional issues,” aniya.

Nauna nang sinabi ni President Marcos na ang sitwasyon sa Iran ay maaaring maging dahilan para magkasundo ang dalawang bansa sa oil exploration.

Noong 2023, tinalakay nina Marcos at Chinese President Xi Jinping ang posibleng pagbabalik ng oil at gas development, kahit na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2005 tripartite deal ng Pilipinas, China, at Vietnam.

Samantala, kinumpirma rin ni Lazaro na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa US para sa posibleng pagluwag ng sanctions sa Russian oil upang matugunan ang energy needs ng bansa.

“Ang alam ko lang is… to ensure na ang delivery na na-commit ay maibibigay, at kung gaano pa karaming supply ang maidadagdag,” dagdag niya.

Ayon kay Lazaro, tumutulong lamang ang DFA sa Department of Energy sa paghahanap ng oil sources at koordinasyon ng mga request. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here