Home NATIONWIDE Ground rules sa impeachment ni VP Sara inilatag ng House Justice Committee

Ground rules sa impeachment ni VP Sara inilatag ng House Justice Committee

184
0

MANILA, Philippines – Para matiyak ang maayos na proceeding sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, naglatag at inaprubahan ng House Justice Committee ang ground rules na susundin sa mga gagawing pagdinig.

Ang guidelines ay inilatag ni Justice Committee Vice Chairman at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora.

“Bago tayo magsimula sa deliberasyon ukol sa pagtukoy ng probable cause, kinakailangan ding magtakda ng ilang panuntunan upang matiyak ang maayos, patas, at episyenteng pagtalakay,”pahayag ni Zamora.

“Impeachment is an extraordinary constitutional process. It demands sobriety, discipline, and unwavering respect for the rule of law. Hindi personalidad ang ating hinaharap ngayon — kundi ang ating tungkulin sa Konstitusyon,” paliwanag pa nito.

Batay sa inaprubahang rules, ang komite ay mag-ooperate sa quorum na one-fifth ng kabuuang memberhip kung saan ang mga ex officio members ay may kapangyarihan na bumoto.

Bibigyan ng 5 minuto ang bawat miyembro para magsalita at halinhinan na bibigyang pagkakataon ang majority at minority, ang mga committee members lamang din ang maaaring magcross-examine sa mga resource persons.

Ang partisipasyon ng mga abogado ay limitado lamang sa pag-advise sa kanilang kliyente.

Nilinaw ng komite na ang rules na inilatag ay sakop lamang ang komite. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here