MANILA, Philippines – Kinakailangan pa rin ng Certification mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa legal na pag-aampon ng isang surrendered na bata.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng SC ang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals ang adopting petition dahil walang DSWD Certification kahit may affidavit of consent mula sa ina.
Sa rekord, ang sanggol ay iniwan ng isang ina sa pangangalaga ni Robin at ng kanyang mga magulang.
Nagsumite si Robiso ng Affidavit of Consent na nilagdaan ng ina, na nagsasabing hindi niya kayang suportahan ang bata at ipinagkakatiwala ito kay Robiso.
Sa ilalim ng RA 9523 at sa mga implementing rules nito, ang sertipikasyon ng DSWD ay kinakailangan sa lahat ng surrendered, abandoned, neglected, at dependent children maliban kung may relasyon sa adopter tulad ng biological parent o kamag-anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden