Home NATIONWIDE Pagbuo ng crisis fund isusulong sa Kamara

Pagbuo ng crisis fund isusulong sa Kamara

108
0

MANILA, Philippines – Sa katwirang dapat laging handa sa biglaang krisis, iminungkahi ni Deputy Speaker at Bacolod City Rep Albee Benitez na bumuo ang gobyerno ng isang “crisis fund” na magsisilbing “shock absorber” sa mga hindi inaasahang paglobo ng presyo ng langis.

Ipinaliwanag ni Benitez na sa oras na bumalik na sa normal ang presyo ng langis ay maaaring mangolekta ng P1 hanggang P2 sa bawat litro ng langis, ang makokolekta ay itatabi para syang maging reserve fund.

“This pool of funds would then be tapped once global oil prices hit critical levels, such as $90 to $100 per barrel, allowing the government to cushion the impact on local pump prices,” paliwanag ni Benitez.

Aniya, ang kanyang mungkahi ay hindi pagbalik sa regulated oil system bagkus ay isa itong “hybrid approach” na isang katiyakan na mayroong standby resources ang bansa sa oras na makaranas ng krisis.

“This is not a return to a regulated system, but it will give us a safeguard whenever there is a sudden increase in prices,” paliwanag ni Benitez.

Ayon kay Benitez ang pagkakaroon ng isang pre-funded mechanism ay pagtiyak na magiging mabilis ang aksyon  ng gobyerno sa oras na may krisis malayo sa sitwasyon na nararanasan sa ngayon na maghahanap pa ng pondo gayong nasa gitna na ng krisis.

Sinabi pa ng mambabatas na dapat magkaroon na ng “proactive at systematic approach” ang pamahalaan sa pamamagitan ng paglalagay na ng mga pre-position mechanisms na agad magagamit sa halip na “reactive” na kikilos lamang kapag mayroon nang problema o mayroon nang krisis.

Aminado si Benitez na nahuhuli ang pagkilos ng pamahalaan dahil ang mga measures ay huli nang nailalatag, ito ay pinag aaralan at ipinapasa lamang ng Kongreso kapag nakaranas na ng problema.

“The country must prepare long before emergencies strike by identifying beneficiaries, securing funding, and establishing clear mechanisms of action. We should pre-position our mechanisms to be able to respond when a crisis occurs. Preparation is key—beneficiaries should already be identified, funds should already be set aside, and systems should already be in place,” paliwanag nito.

Isa sa tinukoy na problema ni Benitez ay ang ipinamamahaging na lamang ng tulong ng pamahalaan para sa mga drivers at operators, marami ang umaangal na wala sa listahan habang may iba naman na hindi benepisaryo ang nabibigyan ng tulong.

Kung mayroon umanong maayos na listahan ang mga Local Government Units(LGUS,  ang Department of Social Welfare and Development(DSWD) at Department of Agriculture (DA) ay agad na maipapamahagi ang ayuda sa mga drivers,magsasaka at iba pa.

“Most of our public sector workers, such as farmers, are not properly registered. Even if there is a list at the Department of Agriculture, it is not updated or fully encoded,” he said. Because of this, identifying who should receive assistance during emergencies becomes a major bottleneck” giit nito.

Bilang solusyon, sinabi ni Benitez na dapat palakasin ang  national ID system, hindi lamang umano ito gamitin para sa identification bagkus isama din ang socioeconomic data.

“Expanding the database to reflect a person’s sector, livelihood, and income status would allow the government to quickly determine who needs assistance in times of crisis” ani Benitez.

Aminado ang mambabatas na ang tensyon sa Middle East ay hindi huling krisis na maaaring maranasan ng bansa kaya panahon na para maging handa.

Sinabi ni Benitez na kung may paghahanda nang nakalatag ay iaactivate lamang ito  ng pamahalaan at agad nang pakikinabangan ng mga apektadong sektor.

“Institutionalizing these measures would allow for automatic and timely responses” ani Benitez.

Gaya umano ng ginawang pre-positioned sa mga relief goods ng DSWD sa panahon ng pagbaha at masamang panahon, dapat mayroon ding pre-positioned mechanism sa iba pang krisis na maaaring harapin ng bansa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here