Home NATIONWIDE Mosyon laban sa rehab ng NAIA, inihain sa SC

Mosyon laban sa rehab ng NAIA, inihain sa SC

142
0

MANILA, Philippines – Pormal na naghain nitong Martes ng pangalawang mosyon sa Korte Suprema ang grupo ng mga petitioner upang muling hilingin ang TRO laban sa kontrata ng gobyerno sa New Naia Infra Corp. (NNIC) para sa rehabilitasyon, operasyon, at pagpapalawak ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasabay nito, hinikayat ng grupo na kumakatawan s a mga consumer at commuter ang Korte na umaksyon sa TRO na kanilang hiniling halos isang taon na ang nakalipas laban sa concession deal na nagdulot ng “unconstitutional” na pagtaas ng terminal fees at iba pang singil NAIA.

Kasama sa naghain ng mosyon sina Rico Domingo, dating pangulo ng Philippine Bar Association, at Caesar Oracion, isa ring abogado.

Sa kanilang siyam na pahinang mosyon, binanggit ng mga petitioner na ang mga gastos na ipinapasa sa mga pasahero sa anyo ng mas mataas na airport charges, kabilang ang passenger service fees, parking, aircraft landing at takeoff fees, land at space rentals, at iba pa, ay nagiging pasanin, lalo na sa gitna ng kasalukuyang krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon sa abogado ng mga petitioner, ang pag-isyu ng TRO ng Korte Suprema ang “tanging epektibo at komprehensibong paraan upang maibsan ang mga pasahero at mga gumagamit ng NAIA mula sa hindi makatwirang mas mataas na singil at upang maiwasan ang malubha at hindi maibabalik na pinsala, lalo na sa harap ng seryosong epekto ng krisis sa Gitnang Silangan.

Hinihiling din ng pinakabagong mosyon ang pag-isyu ng writ of preliminary injunction at iba pang injunctive remedies mula sa Korte Suprema.

Ayon kay Maria Cristina Yambot, abogado nina Domingo at Oracion, sa isang press briefing noong Miyerkules ang Korte Suprema ay nasa tamang posisyon upang magbigay ng mahalagang suporta at malaking ginhawa sa mga petitioner at mga Pilipino sa ganitong mahirap ang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here