Home NATIONWIDE P4.6B pondo sa Bangsamoro parliamentary elections, inaasahang maging sapat – Comelec

P4.6B pondo sa Bangsamoro parliamentary elections, inaasahang maging sapat – Comelec

128
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections na magiging sapat ang P4.6 bilyong pondo para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary Elections (BPE) sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa nasabing pondo, P3 bilyon at ang P100 milyong standby fund ay mula Comelec habang ang Bangsamoro Transition Authority ay naglaan ng P100 milyon.

Nagpahayag naman ng pag-alala si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa potensyal na epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa nagpapatuloy na preparasyon para sa halalan na nakatakda sa Setyembre 14.

Hinihintay pa ng Comelec ang Senado at Kamara na magsumite ng hakbang sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr at lagdaan bilang batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here