MANILA, Philippines – Pinayuhan ng US Embassy sa Pilipinas ang mga American citizen na manatiling alerto at ayusin ang kanilang iskedyul bago ang nakatakdang nationwide two-day transport strike sa Marso 26 at 27, 2026.
Sa advisory na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ng embahada na mananatili itong bukas sa mga nasabing araw at magpapatuloy sa pagbibigay ng mga public service, kabilang ang American Citizen Services at visa appointments.
Gayunman, nagbabala ang embahada sa posibleng abala at pagkaantala at hinikayat ang mga may appointment na magplano nang maaga. Idinagdag din nito na maaaring magdulot ang mga protesta ng traffic congestion sa paligid ng embahada at matinding police presence sa mga lugar na pagdarausan ng demonstrasyon.
“The U.S. Embassy remains open and will continue to provide all public services, including American Citizen Services and visa appointments, during the strike. U.S. citizens with appointments at the Embassy should plan for additional travel time and consider alternative transportation options,” saad sa advisory. Dave Baluyot