MANILA, Philippines – Umarangkada na nitong Huwebes ang dalawang araw na nationwide strike bilang protesta sa tumataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Nakiisa sa mass action ang mga transport worker mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang jeepney, transport network vehicle services, motorcycle taxi, bus, at UV Express.







