MANILA, Philippines – May ilang political analysts at kolumnista na nagpahayag ng puna sa naging hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG), sa pamumuno ni Solicitor General Darlene Marie Berberabe, kaugnay ng inihain nitong Manifestation with Recommendation for Acquittal sa Korte Suprema pabor kay Rappler CEO Maria Ressa.
Sa naturang paghahain, inirekomenda ng OSG ang pagpapawalang-sala kay Ressa sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya.
Kaugnay nito, tinalakay nina Alex Magno at Roberto Tiglao sa kani-kanilang mga kolum ang kanilang pananaw sa naging hakbang ng OSG.
Ayon kay Magno, ang naturang aksyon ay maaaring ituring na hindi karaniwang hakbang sa harap ng Korte Suprema.
“She is not being very polite here,” ani Magno, isang longtime political science faculty member ng University of the Philippines (UP), sa pamamagitan ng kanyang kamakailang column sa isang napaka-respetadong broadsheet ng balita na pinamagatang “discourteous” noong Marso 21.
“Siya [Berberabe] ay inaasahan na kumatawan sa gobyerno, hindi mga personal na kaibigan, sa harap ng mga korte,” idinagdag din ni Magno sa kanyang kolum.
Nauna nang hinatulan si Ressa sa kasong cyber libel ng Manila Regional Trial Court noong 2020. Ang naturang desisyon ay pinagtibay ng Court of Appeals noong Hulyo 2022. Kalaunan, naghain sina Ressa at Reynaldo Santos Jr. ng apela sa Korte Suprema upang baligtarin ang mga naunang desisyon ng mababang hukuman.
Sa kanyang kolum, binanggit din ni Magno ang isyu ng posibleng pananaw ng publiko sa pagiging angkop ng aksyon ng OSG, lalo na dahil may mga usaping ibinabato ukol sa dating ugnayan ni Berberabe kay Ressa. Gayunman, wala pang pinal na pahayag o desisyon mula sa korte hinggil sa anumang isyu ng conflict of interest.
Samantala, sa hiwalay na kolum na inilathala noong Marso 23, sinabi naman ni Tiglao na hindi siya sang-ayon sa naging legal na batayan ng OSG sa paghiling ng acquittal para kay Ressa.
Ayon sa kanya, may mga naunang desisyon ang Korte Suprema na dapat ding isaalang-alang sa usapin ng prescription period ng cyber libel.
“Walang doktrina o prinsipyo ng batas na inilatag ng korte sa isang desisyon na ginawa en banc o sa dibisyon na maaaring mabago o baligtarin maliban sa korte na nakaupo en banc,” ani Tinglao.
“SolGen Berberabe shocked the legal community when she asked the court to acquit Ressa, claiming the one-year prescription for the crime had lapsed, pointing to an October 2023 decision by the Supreme Court,” dagdag pa ni Tiglao sa kanyang column sa isang respetadong news broadsheet noong March 23, 2026 na may titulong “To save Ressa, SolGen ignores Constitution, disrespects SC.”
“Maginhawa niyang binalewala ang isang naunang desisyon ng korte noong 2018 sa Tolentino v. People (GR 24031, Ago. 6, 2018) na ang panahon ng reseta ay 15 taon.”
Sa gitna ng usapin, may ilan ding observers na nagsabing mas mainam umano na ituon ng OSG ang atensyon nito sa iba pang mahahalagang usaping pambansa. Gayunman, nananatiling bahagi ng legal na proseso ang paghahain ng magkakaibang interpretasyon sa harap ng hukuman, at nasa Korte Suprema ang pinal na pagpapasya sa kaso. RNT