Home HOME BANNER STORY P102M tobats, nasabat sa NAIA; Malaysian nat’l, timbog  

P102M tobats, nasabat sa NAIA; Malaysian nat’l, timbog  

119
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P102 milyon halaga ng shabu na itinago sa mga chopping board ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa isinagawang operasyon sa Terminal 1 kung saan naaresto ang isang pasaherong Malaysian national.

Ayon sa BOC-NAIA, nadiskubre ang kontrabando sa tulong ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos mapansin ang kahina-hinalang imahe sa x-ray screening ng bagahe ng pasahero na nagmula sa Malaysia. Dahil dito, isinailalim sa 100% physical examination ang bagahe.

Sa masusing inspeksyon, tumambad ang humigit-kumulang 15,024 gramo ng methamphetamine hydrochloride o “shabu” na itinago sa loob ng dalawang kahon na idineklarang chopping boards. Tinatayang may halagang ₱102,163,200 ang nasabing ilegal na droga.

Agad na inaresto ang pasahero at isinuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang nakumpiskang droga para sa inquest proceedings. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here