Home HOME BANNER STORY Suplay ng LPG, tatagal na lang ng 24 araw – DOE

Suplay ng LPG, tatagal na lang ng 24 araw – DOE

159
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na mino-monitor ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng liquefied petroleum gas o LPG sa bansa, na maaari na lamang tumagal ng hanggang 24 araw, sa gitna ng pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

“One of our major problems now is LPG, so now we’re starting to go around the restaurants and beverages kasi maybe — maybe we can lower the consumption for a bit until we get the supply coming in,” ayon kay DOE Secretary Sharon Garin.

Ginawa ni Garin ang pahayag sa isang Senate hearing at sinabing kasama na sa bilang ng suplay ang mga inaasahang delivery.

Batay sa March 20 inventory ng DOE at daily average utilization, sapat pa ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa, ngunit pinakamababa ang LPG.

Nasa 61 araw ang suplay ng fuel oil, 53 araw para sa gasoline, 46 araw sa diesel, 39 araw sa jet fuel, at 24 araw sa LPG.

“So in terms of international standards po sa IEA, 30 days po ang suggestion ng International Energy Association. In fact, all our products are above that. Ngayon, ang hindi lang, LPG,” pahayag ni DOE Undersecretary Alessandro Sales.

Gayunman, sinabi ni Sales na ang suplay ng LPG sa bansa ay tatlong beses pa rin na mas mataas kaysa pitong araw na minimum inventory requirement para sa mga supplier.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Senator JV Ejercito sa maaaring mangyari kung hindi makadaan ang mga suplay sa Strait of Hormuz.

Bilang tugon, sinabi ni Garin na nakikipag-ugnayan ang DOE sa mga bansang pinagmumulan ng inaangkat na produktong petrolyo ng Pilipinas.

“We have been assured by the next delivery, but that’s assuming that things stay the same no? Stay the same next month. But if things escalate and prolong, then we have to address that all over again,” ani Garin.

Batay sa monitoring ng DOE, nasa pagitan ng P825 hanggang mahigit P1,000 ang presyo ng LPG kada regular tank sa Metro Manila ngayong Marso. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here